queensdragon
"Ikaw kasi nagexpect ka eh". Eto ang lagi kong naririnig sa mga magkakaibigang babae pag may nagbebreak sa kanilang tropa. Kasi daw "nagexpect" kaya nasaktan. Pero kung ating iisipin, mali nga ba magexpect sa isang relasyon(o di lang sa pagsosyota to pati sa pagiging magkaibigan pede)? Muli kong binalikan ang aking Webster's Dictionary at inalam ang ibig sabihin ng salitang "expect". At ang sabi ni Webster(drum rolls please!).... ay "to look forward to, regard something as probable or likely". Kung susundin natin ang binigay na kahulugan ni Webster, sa aking opinyon ay maari tayong magexpect sa isang relasyon. Parang sa simula lang ng klase na humihingi ang teacher ng kanilang"What do you expect from this class/subject/teacher". Kailangan ang bawat relasyon ay magkaroon ng "target" at yun ang kanilang "expectations". Hindi masamang umasang magiging ayos ang lahat, na magtatagal ang inyong pagsasama, na magiging masaya kayong pang habang buhay. Ang pageexpect ay maari pa ngang magpatibay ng isang relasyon dahil gagawin mo ang lahat para maabot ang iyong nais na mangyari. Wala namang masama sa umasa. Pero ano nga ba ang nagagawa ng iba at nasasaktan sila? Ano ba kasi talaga ang kanilang inisip? Maaring tinaas nila maigi ang kanilang expectations, di naabot at ayun pak! lumagapak na parang "toot" sa ilog ang pag asa. Ika nga eh "You may expect but do not expect too much" lalo na at bata pa naman tayo(ehem). Pero madami sa kanila hindi nag"expect", marami eh nag"ASSUME". Bakit ba maling magassume sa isang relasyon?? Ano ba ang nangyayri pag nag aasume ang isang tao?? Ayon kay Webster ang ibig sabihin ng "assume" ay..."accept without verification or proof, make a pretence of". Ayun, kaya naman pala masama mag assume, inuunahan natin ang mga mangyayari ng wala pa tayong patunay na matibay. Marami kasi sa mga magkarelasyon eh pakiramdam nila eh sila na forever and ever kahit tatlong araw pa lang silang magkakilala(ehehehehe). Iniisip din ng marami na perfect na ang kanilang relasyon at di na mababali. Nakakapagparupok ng relasyon ang mga assumption.Bakit? Kasi imbes na mag effort ka eh iisipin mo na lang na "ay basta kami na" o kaya "sure na to". Kaya ating tandaan "Expect but never Assume"
Клуби
Club Admins
Club Admins 6 736 Користувачів
Samurai Girls
Samurai Girls 38 Користувачів
Pinoy Fun Group
Pinoy Fun Group 19 Користувачів
Chess School
Chess School 100 918 Користувачів
CHESS STAR RESORT
CHESS STAR RESORT 1 731 Користувачів